Bong Go, hanga sa galing at disiplina ng mga student-athlete ng NAS

Bong Go, hanga sa galing at disiplina ng mga student-athlete ng NAS

Dumating sa Senado nitong Miyerkules, Hunyo 25, ang mga student-athlete mula sa National Academy of Sports (NAS) 鈥 isang grupo ng kabataang atleta na kinikilala hindi lang sa larangan ng internasyonal na table tennis kundi pati na rin sa kanilang kahusayan sa pag-aaral.Bumisita sila kay Senador Christopher 鈥淏ong鈥 Go, Chairperson ng Senate Committees on Sports at Youth, na nagpahayag ng kanyang paghanga sa kanilang disiplina at galing. Kasama sa pagbisita sina NAS Sports Executive Director Josephine Joy Reyes, Coach Karen Jaleco, at ilang piling student-athletes.Isa sa mga pinarangalan ay si Khevine Kheith Cruz, isang Grade 8 student at multi-awarded table tennis player na nakapag-uwi ng mga gintong medalya mula sa World Table Tennis Youth Contender sa Dubai at US Open Table Tennis Championships sa Las Vegas. Nakuha rin niya ang pilak sa WTT Youth Contender sa San Francisco, at muling humakot ng mga medalya sa Palawan nitong Pebrero 2025.Kasama rin sina Prince Maminta, Rald Jaeden Tanghal, Christopher Ocampos, at Jakob Aldrich Quindo na lahat ay may mga nakamit na medalya sa mga internasyonal na torneo mula Dubai hanggang Bahrain.鈥淭alagang nakaka-proud po ang mga batang 鈥榯o,鈥 wika ni Go. 鈥淚yan po ang pangarap ko someday, na sana umabot ito sa Visayas at sa Mindanao, ang National Academy of Sports… Proud na proud ako sa ating mga student-athletes.鈥滱ng NAS ay naitatag sa bisa ng Republic Act No. 11470 na inakda at co-sponsored ni Go. Matatagpuan ito sa New Clark City, Capas, Tarlac, at may dual-track system na nagbibigay ng dekalidad na edukasyon habang pinapaunlad ang talento ng mga estudyanteng atleta.Bukod sa kanilang tagumpay sa sports, napag-alaman ni Go na may honors din ang mga atleta sa kanilang pag-aaral, dahilan ng kanyang lalo pang paghangang ipinahayag.Mula nang pamunuan ni Go ang Senate Committee on Sports noong 2019, nakamit ng bansa ang kauna-unahang Olympic gold medal at dalawang gintong medalya sa Paris 2024 Olympics. Itinaguyod din niya ang pagsasaayos ng mga sports facilities at patuloy na nananawagan ng mas mataas na pondo para sa mga grassroots sports program.Sa huli, binati niya ang mga atleta at hinikayat ang kabataan na yakapin ang sports bilang landas tungo sa disiplina at tagumpay.鈥淧alakpakan natin sila! Good luck sa inyong lahat. Mahal ko kayo, mga kabataan. Bilang Chairperson ng Committees on Sports and Youth sa Senado, masaya ako sa inyong lahat. Mabuhay ang ating mga student-athletes!”

Read More…